header image
 

sayaw

  “Naiisip mo na ba kung sakaling magkaroon tayo ng relasyon?” pambungad niya upang buksan ang pinaka-aabangan na pag-uusap. Sa wakas eto na… bahagyang pag-amin. Sumunod pa ang mga taong ng pagbabasakali o pagpapalagay. Sa ikatlong tao… kung ako ang babae, iisipin kong humihingi ka na ng sakripisyo pero wala pa kayong relasyon” oo nga unfair yon.. agree ng lalaki… mas madaling magtaya kung may relasyon… given na ang uri ng trabaho.. tanggap na ni babae si lalake, kasama na lahat ng pwede pang maging problema nito…maya-maya ay ibinigay na ang sulat… nagsasaad na hihintayin ko ang paglingon mo, hindi ako magbababa ng programa, gugustuhin kong ikaw ang magdesisyon… at ganun na nga. Sa pandama kase nung babae, may interes ang lalaki… kaya umasa. Dumating ang dayuhang marikit at magiliw. Sa mga sumusunod na panahon… lalapit ang dayuhan sa babae at tutugunan niya ito ng pakikipagkaibigan lalu na’t dama niya ang kalungkutan sa dayuhan. Bahagya, parang namang bubuyog si lalaki na lalapit sa bagong bulaklak… masasaktan ang naiwan ngunit magtitimpi at mangingiwi. “ba’t di mo na lang i-date… date kayo?” parunggit ng babae dahil sa nakikita niyang may interes dito si lalaki. “pwede rin,” sagot ni lalaki… tsk! Pambihira. Tuso nga minsan ang pagseselos, magbabanggit ng mga kataga bagama’t hindi niya gustong idiin, magpapaubaya ng pain… sa pinakasakalap, inakap ng lalaki ang imbitasyon. Insulto…sampal sa babae. Pero may kalungkutan sa dayuhan na kailangang tugunan na si babae lamang sa pagkakataon na iyon ang makakahupa pangsamantala… mabigat man sa dibdib… mungkahi na rin na ikagigiliw ng dayuhan ang paglilibot. Isinama sa bahay, ipinakilala sa pamilya… nagbuhos ng oras sa pagkakaibigang tutuklaw sa kanya… Dumating ang oras ng imbitasyon… sa takdang araw bagama’t may iskedyul at tipong abala ang lahat. Buong puso ng inilibot ni bubuyog ang bagong bulaklak… sila lang dalawa, walang kasama… hindi rin nila ginawang mag-imbita kung gugustuhin. Ano mang paliwanag na iyon ay walang kahulugan at isang pagmamagandang loob… ngunit basa ni babae ang interes at ito ang pumapatay sa pag-asa relasyon nila nila lalaki na higit pa sa magkaibigan. Sa paano nakaligtaan ng bubuyog ang dating bulaklak? Sa paglingon… maghihintay pa ba si babae? Sayang… inamin na lahat ni babae upang maibsan ang bagahe at hindi makabigat sa mga nakatakdang mga trabaho, …bakit ganun ganun na lang ang pagsasantabi ni lalaki… mali nga yata ang lalaking pinag-alayan ng pagsinta ni babae, maling mali. Buti na lang may dayuhan na nagpakita nito. Ngunit hindi magtatagal, lilisan ang dayuhan… susunod dito ay karma. Dscf4286

dumb

we live in a beautiful world,

yeah we do.

yeah we do. 

2057767877

matagal na akong hindi nagsusulat dito… ayaw ko na ring magsulat ng tungkol sa pag-ibig lalu na’t puro bitin naman ang ending. marahil, wala na nga sa bokabularyo ko ang pag-iintay at kahit aminin, masyadong kumplikado ang buhay… tama na ang pagsulyap sa magandang buwan kung sakaling magpakita siya sa gabi, okay na rin kahit magtago panandali.. dismayado ako sa takbo ng mapanupil na takbo ng pulitika, kung paano pinagugulong ng iilan ang buhay ng mga tao, lumilikha ng mga bagay na hindi naman kailangan…at ipinapain sa mga taong hindi makapagpasya sa sarili.

the arrogance of mainstream tv media

It is really disappointing how mainstream media (television) rate news worthiness on literal action and after an event had already took place. “kapag may bugbugan na saka lang sila re-responde, kapag may patay na saka lang mababalita”.

Particularly on labor issues, how many reporters deliver news regarding labor relations?  Yet the most hardworking and in great number of suppressed rights are in workers in economic zones.   Do they know that just this month, two unions we’re illegally dispersed by PEZA police which brought about number of casualties.  Workers were in fact holding on to their picket line when Milenyo hits level three in

Cavite

. Furthermore, they were hurt, bruised and wounded from the dispersal made the day before, which brings out more health concerns.

First and foremost, it was the PEZA whom primarily violating workers rights rather, even before they get into their employer. It was PEZA police whom illegally arrested eight workers from SP Ventures which serves as a supply line for the picketers. They placed checkpoints near the company, prohibit entry and exit of strikers, conduct food blockade inside the zone aiming to weaken the strike. As a quick respond to events, we released media advisories that could help out campaign to put a stop to illegal activities implemented by the government agency but sad to say all we get is arrogant questioning of why we are contacting them. 

 

I do believe with the power of media and what it can do to change the world; however, with the kind of mainstream media today, even if I did graduated from related course, I’ll better be off working with one.

As I’ve learned, mainstream media are supposed to be watchdog, brought out government transparency; not just that –they also had the strong responsibility to the audience. Their honesty should not be in the news itself but with the people which is their greater audience. Sadly, most news even when indeed a fact but no purpose or direction is just like sensationalizing an item which already been sensationalized. The responsibility of the media is not in the news itself but with the people. What does its impact on the viewers? Ideally you write news to serve the people and bring something either boost their morals or move them to act for a solution, not to corrupt and just move their emotions which entertainments do.      

Sometimes honesty to truth is being relative itself. Be self-assured whom you are  working for.

The point of sincerity on television to relate facts are minimize from factors affecting the delivery of the said news.  And still they’re big. They’re in the mainstream. More people saw it. More people know about it. Yet the sincerity of service is always questionable. Rather competing for exclusive interviews why not help raise people’s issues and concerns.

panaginip

Tama bang sulyapan ko ang nakaraan na hindi ko man lang tiyak kung nagmantsa sa alaala ng isang pinakakatangi; at kung ako man sa sarili ay naitangi ng pinag-uukulan ko ng espasyong ito. gusto ko nga sana ilibing… marahil matagal nang naagnas sa tinagal ng panahon. Pero ang patanong ay naging esklamasyon at naging tutuldukin, parang mga letra sa ngayon na walang depenidong patutunguhan kundi pagsasalarawan ng karanasang gusto ko ilabas bago ako tumuon sa bagong inspirasyon.

Lagumin ang dapat lagumin sa pagkakamali o kakulangan, o kung pagkakamali nga ba sadya ang aking pagtahimik. hindi ko makapa ang kung sa pagtatanong ng relasyon ko sa buhay buhay noong gabing iyon, ang pagbabahagi ko ng sarili at pagbubukas ng aking mga iniisip na tinanggap mo ng buong puso, ay may pagkakaisa nga tayo sa diwang posibilidad sa isang relasyong higit pa.

Pero walang katagang lumabas bagama’t sunod sunod ang aking pagpiyok. Hindi na rin masisisi kung sa panlalamig humantong ang malupit na ’sana’ gayong hindi kailanman naging malinaw kung kinailangan mo nga ako, pangangailangan na masilayan sa araw-araw ng pagtilaok ng manok at makamusta bago ka pa man umidlip. Walang pakundangan ang mala-tropang pagbati lalu na’t nasanay na rin sa ganun…yun lang! malas ko at nakilala ko ang mga higit mong taga-hanga. Hindi kaya lamunin nila ako ng buhay sa aking pag-amin.

Ilang beses man ako magpakalingon-lingon, malayo na ang nalakbay ng aking mga payak na paa sa landas na hindi man maalwan ay pinakamatamis(sabi nga ng ilang kaibigan) na rin kung iisipin. Nakakalungkot man, kaiba sa mundong pinili ko sa mundo mo ngayon.

Nakakapanghihinayang… o dapat ba? kung naiwan kaya ako sayo noon at bigkasin ang mga katagang pinakaka-abangan, magpanagpo pa kaya tayo kung sa depenisyon lamang ng pinakasimpleng relasyon ay hindi ko maabot ang ekspektasyon mo at ganun din ako sa iyong panig. Tama na ang magtama sa tig-isang beer at magbilang ng bituin sa langit, magkwento ng walang katuturan bagama’t masaya, dagdag pa ang kamustahan at pahapyaw na palitik.

at ang suma, may rikit sa hindi pag-amin…kaiba sa hayag na pag-ibig, isipin ko na lang naging tayo kahit hindi.

000000010

Sa500018 Halina sa mga pangarap ng baliw,

at naisin ang tamis na waring pait.

Halina sa mundo ng maligalig,

At tumakbong malaya sa parang kasama ang baliw,

sabwatan sa paghihintay

Sa500198 Dama niya ang kirot hanggang sa pinakadulo ng kayang daliri

at saglit na kubli  sa animong pagkagat sa mga labi,

hapdi ay tinitimpi, pagpigil sa luhang kanina pa nakamutawi.

Anong pangingilagan sa tinakdang gawain,

Ibsan man sa maghapong pagkukuyakoy

Panay sa pagka-inip.

Mag-ubos ang baga sa pagyoyosi,

Ang paghihintay ay may tinik,

Lalu na sa pananahimik.

good to go

the nature vs the being… the very essence of your existence found meaning in "others", what used to be done is set to a different instructions, such a pain in the A*!#, and all i’m capable is to live.

the box

to think out of the box, you’ve got to get into the box, to play outside the box you must get into the box, to see outside the box, you’ve got to move out of the box. don’t let the box fool you because longing to get out, you must be suffocated first inside, or  you could just get out, left alone and empty… thinking how was it like inside.

Pagtanda ng gabi

Pagtanda ng gabi

Bata pa ang gabi /Nang mapaso ako sa mainit na gatong ng ulingang kalan,/ Masilam sa mga usok na binubuga ng basang kahoy/ matuyot ang balat sa init ng bagang bagyang ng mapa-apoy./

Tumatanda na ang gabi/ Nang sumulak na ang sinaing na muntikan pang masunog./ Di tantiyado ang takal, ang init ng apoy- / Maging ang putahing ulam- napilit magtugma sa timplang inaasahan./

At tulad ng dati/ Puno ng tubig ang tapayan/ Nakataob ang pinggan/ Handa na rin ang kapeng kasabay sa hapunan./

Matanda na ang gabi./ naghihintay- /Wala ka pa/…/ Sadya na ring lumamig ang pagkaing hinain ko sa mesa./

Bumungad ang umaga/ Binitawan saglit ang sandok/ Ang pagal na kamay sa pagkayod/ Naghanap ng lambing sa anak na natutulog// Inang sa bahay lamang nakubkob/ Naghasa ng isip at sa lipunan ay tumoon/ Hindi sa lalim ng gabi/ hindi sa kabiyak hihilig/ Hindi sa pag-iintay sa umaga/ kundi sa sarili’y titindig na kusa/ hindi na maiinip/ kasama.